top of page
Search

Little Cupcakes Series 5: Blueberry Cheesecake

“I’ve always wanted someone who will complete me, and when you came to my life, you filled that empty spot in me.”


Mari is a mother of a six-year-old girl named Della at the age of twenty-four, sa kasamaang palad, wala siyang maipakilalang tatay ng anak niya. Dahil kahit siya, hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Yes. She got pregnant through a one-night stand. Ang masakit doon, hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya sa sobrang kalasingan. Nagising na lang siya kinabukasan mag-isa sa hotel, naked at may bahid na sinurrender niya ang bandila ng pagkababae niya sa bedsheet.

Pero gaya ng blueberry cheesecake cupcakes. Nagkakaroon ng mas masarap na flavor ang blueberry when you combine it with cream cheese. Like Mari, she didn't realize that after having Della, she finally became a better person. Someone who knows what she wants, a woman with a dream for her daughter. Pero parang may kulang pa rin… isang tao na kukumpleto sa buhay niya. Pero may magmamahal pa ba ng tapat sa kanya? Kung isa siyang single mom.

Dumating si Nathan sa buhay ni Mari na parang anghel na pinadala ng langit. Tumawag isang araw ang school na pinapasukan ni Della at sinabing nagta-tantrums ito ng husto. Pagdating ni Mari sa school, naabutan niya ang isang lalaki, matangkad, guwapo at matipuno na may karga sa anak niya. Malayo sa sinabi sa kanya ng tumawag, Della is peacefully sleeping on his arms. Simula noon, palagi ng hinahanap ni Della ang presensiya ni Nathan. Hindi inasahan ni Mari ang malaking papel na gagampanan ng binata sa buhay nilang mag-ina.



14 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page